Ayon kay Pnoy, maraming pinagbago sa ating bansa ngayon. Sa Edukasyon, may 66, 800 backlog para sa classrooms at 2, 573, 212 backlog para naman sa mga Silya.
May 4.57 Million na estudyante na ang Regular ng pumapasok. Sa kalusugan naman, may 85 % na ang member ng PhilHealth.
Pinagmalaki niya rin ang pagbaba ng kaso sa Dengue dahil sa mosquito trap. Sa Hanapbuhay naman, may 3.1 million na ang mga bagong trabaho may 30,801 nurse na ang nai-deploy.
Sa mga imprastraktura naman, may mga nagawang bagong airports katulad ng Albay-Daraga Airport. Ang Slex/Nlex connection naman ay tatapusin bago mag 2015. May 1,569 km na ang nagawang kalsada. Dumami na rin ang mga turista na dumarayo sa ating bansa.
May 18.5 million na ang na export na bigas sa ibang bansa at 60, 754, 498 liters naman ng coco water ang naexport sa 2011. May 1,520 cities ang may kuryente na sa 3 buwan lamang. Bumaba na rin ang insidente ng Krimen at higit 50% ang pagbaba ng Carnapping cases. Nagbigay rin ng 20,00 pabahay para sa mga pulis at sundalo. May mga napasukong 203 rebelde at ang pagbalik-loob ng mga ito. Sa buo, masasabi ko na, Unti-unti na tayong umaasenso at unti-unti na nating nakakamit ang minimithing kapayapaan.
Para sa akin, maayos ang pagsabi ni Pnoy tungkol sa mga nagawa ng kanyang administrasyon, Dahil ito ay kumpleto at sinabi niya ang bawat detalye ng mga pagtaas at pagbaba ng mga bagay-bagay sa ating bansa. Sang ayon ako sa mga nagawa ng kanilang administrasyon dahil alam ko na sapat na ito.
Balang araw, uunlad rin tayo kung patuloy pa ang mga pagbabagong ito.
No comments:
Post a Comment