Thursday, January 24, 2013

Kasambahay bill



Tinatayang dalawang milyong kasamabahay dito sa Pilipinas. Noon pa man, naging mahalaga ng parte ng isang pamilya ang mga katulong sa mga gawaing bahay. Sila na rin ang nagsisilbing ina o ama ng isang bata kung ang mga magulang nito ay wala. Malaking bagay ang naitutulong ng mga kasambahay sa bawat tirahan. Kung wala ang mga ito, malamang ay hindi natin makakaya ang mga gawaing bahay at mawawalan na tayo ng oras sa pamilya dahil puro gawaing bagay ang ating inaatupag. 


Ang mga kasambahay ay ginagawan tayo ng mabuti at tinatrato rin ng mga amo ang mga kasambahay ng mabuti ngunit, hindi rin natin maikakaila na maraming kasambahay ang nagrereklamo ng karahasan sa kanilang mga amo. May mga inaabuso ang pisikal na katawan nito, hindi tinatrato ng maayos, hindi binibigyan ng sapat na sahod at mga pangangailangan at may iba rin na minamaltrato ito at binababoy lamang.

Dahil sa mga apila ng mga kasambahay ukol dito, naipatupad na ang Kasambahay Bill. Tahimik na nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III noong January 18 ang Kasambahay Bill. Ang pagpirma ni Pnoy sa naturang panukalang batas ay nagpapakita ng pagmamalasakit sa mga kasambahay. Ito ang batas na nagbibigay ng karagdagang benepisyo sa mga kasambahay.

Sa ilalim ng batas na ito, itinakda ang pinakamababang sahod sa Metro Manila na P2,500 kada buwan. P2,000 naman kada buwan sa mga chartered cities at municipalities. P1,500 kada buwan ang sahod sa iba pang munisipalidad. Sa paraan na ito, makatutulong ito sa mga kasambahay na umahon kahit kaunti sa kahirapan. Itinakda ito sahil maraming amo ang nagpapasahod sa kanilang mga kasambahay na mas mababa sa P2,000 at P1,000 at minsan pa nga eh walang sinusweldo sa kanila. Pawang "volunteer works" lamang ang ginagawa nila. Nakapaloob rin sa batas na ito ang iba pang mga benepisyo katulad ng 13th month pay, pagbibigay ng SSS, PhilHealth, Pag-ibig fund at isang day-off sa isang linggo para naman may pahinga sila sa araw-araw na trabaho.

Ang mga kasambahay ay dapat nating itrato ng maayos. Hindi dapat natin silang abusuhin at dapat ay itrato ng parang parte na ng ating pamilya. Ang Kasambahay Bill ay Higit na makatutulong sa mga kasambahay na umunlad at kahit papano'y mabawasan ang problema at makaahoon sa kahirapan. Dahil sa Kasambahay Bill, maaari naring tawaging maayos na trabaho ang pagiging kasambahay dahil s amga magagandang benepisyo nito.

Wednesday, January 23, 2013

"Ang internet ang nagsisilbing Mendiola ko at naming mga kabataan ngayon"


Maraming nagaganap na mga rallies ngayon. Ito ay nagaganap kung hindi nagkakasundo ang mga mamamayan at ang pamahalaan dahil sa mga ipinapatupad na batas. Ang mendiola ang lugar kung saan nagtitipon ang mga rallyista na nagpo-protesta laban sa pamahalaan. Dito nila naipapahiwatig ang kanilang mga hinaing ukol sa gobyerno. Eh pano naman kaya ng mga kabataang hindi kayang makipagsabayan sa mga rallyista, ngunit may kinikimkim na hinanakit o saloobin?



Source: http://kaitlynrosenburg.files.wordpress.com
Source: http://static.optimist.org/Photos/teen_internet_safety.jpg
Sa panahon ngayon, ang internet ang nagsisilbing libangan ng mga kabataan ngayon. Naglalaro sila sa Internet, nagsasaliksik, at nakikipag-komunikasyon. Uso na rin ngayon ang mga social networking sites: katulad ng Facebook, Twitter, Tumblr at iba pa. Ang mga website na ito ang nagsisilbing talaarawan natin dahil dito natin nailalabas ang ating mga saloobin, lalung-lalo na kapag tayo ay walang mapagsabihan ng ating mga saloobin at kung tayo ay nahihiyang magsalita at ipahiwatig ang ating hinaing. Ang internet ang nagsisilbing Mendiola nating mga kabataan. Bagamat, hindi natin kayang pumunta sa Mendiola at magprotesta para maipahiwatig ang mga saloobin natin, dito tayo bumabawi at dito rin natin binubuhos ang mga gusto nating sabihin. Kung may hinaing tayo at opinyon na gusto nating ipamahagi sa mga tao, ang Internet ang tamang lugar para rito. Walang diskriminasyong nagaganap kaya't bukas ito sa lahat ng tao: mapabata man o matanda. Madali rin itong gawin dahil ititipa lang natin ang mga letra at ayan! Naibahagi mo na ang gusto mong iparating sa mga tao. Simple lang! Wala na masyadong kahirapan di katulad ng pagpunta sa Mendiola. Kaya para sa mga kabataang katulad ko, ang internet ang nagsisilbing Mendiola ko at naming mga kabataan ngayon.