Wednesday, January 23, 2013

"Ang internet ang nagsisilbing Mendiola ko at naming mga kabataan ngayon"


Maraming nagaganap na mga rallies ngayon. Ito ay nagaganap kung hindi nagkakasundo ang mga mamamayan at ang pamahalaan dahil sa mga ipinapatupad na batas. Ang mendiola ang lugar kung saan nagtitipon ang mga rallyista na nagpo-protesta laban sa pamahalaan. Dito nila naipapahiwatig ang kanilang mga hinaing ukol sa gobyerno. Eh pano naman kaya ng mga kabataang hindi kayang makipagsabayan sa mga rallyista, ngunit may kinikimkim na hinanakit o saloobin?



Source: http://kaitlynrosenburg.files.wordpress.com
Source: http://static.optimist.org/Photos/teen_internet_safety.jpg
Sa panahon ngayon, ang internet ang nagsisilbing libangan ng mga kabataan ngayon. Naglalaro sila sa Internet, nagsasaliksik, at nakikipag-komunikasyon. Uso na rin ngayon ang mga social networking sites: katulad ng Facebook, Twitter, Tumblr at iba pa. Ang mga website na ito ang nagsisilbing talaarawan natin dahil dito natin nailalabas ang ating mga saloobin, lalung-lalo na kapag tayo ay walang mapagsabihan ng ating mga saloobin at kung tayo ay nahihiyang magsalita at ipahiwatig ang ating hinaing. Ang internet ang nagsisilbing Mendiola nating mga kabataan. Bagamat, hindi natin kayang pumunta sa Mendiola at magprotesta para maipahiwatig ang mga saloobin natin, dito tayo bumabawi at dito rin natin binubuhos ang mga gusto nating sabihin. Kung may hinaing tayo at opinyon na gusto nating ipamahagi sa mga tao, ang Internet ang tamang lugar para rito. Walang diskriminasyong nagaganap kaya't bukas ito sa lahat ng tao: mapabata man o matanda. Madali rin itong gawin dahil ititipa lang natin ang mga letra at ayan! Naibahagi mo na ang gusto mong iparating sa mga tao. Simple lang! Wala na masyadong kahirapan di katulad ng pagpunta sa Mendiola. Kaya para sa mga kabataang katulad ko, ang internet ang nagsisilbing Mendiola ko at naming mga kabataan ngayon.


No comments:

Post a Comment